Katanungan tungkol sa bokasyon ng isang madre ng mmm

Ang kasagutan sa inyong mga tanong...

Kung may tanong ka tungkol sa bokasyon ng isang madre ng MMM maaari kang makipag ugnayan sa amin at makatatanggap ka ng isang personal na kasagutan.

Tanong ni Anna...

Ano ang pagkakaiba ng buhay sa pagitan ng isang madre ng MMM at ng isang boluntaryo o ng isang karaniwang manggagamot sa isang papaunlad na bansa o ng isang manggagawa ng NGO?

aeriel_view_of_chiulo_crop1Anna, palagi sa aming tinatanong yan! Ang isang Madre ng MMM ay may habambuhay na pangako na mamuhay sa isang panrelihiyosong komunidad at gamitin ang kanilang talento kung saan ito pinaka kailangan. Katulad ni Abraham, narinig nya ang tawag ng Diyos 'Iwanan mo ang iyong bansa at humayo sa lugar na aking ituturo'. Ang mga boluntaryo ay dakila, ngunit kailangan pa rin ng isang tao upang magturo sa kanya. Ang mga Madre ay nagpupunta sa tao, naninirahan kasama nila, tinuturuan silang magtiwala sa sarili at nanatiling kasama nila hanggat hindi na sila kailangan. Dahil ang mga madre ay kasama sa isang komunidad hindi na nila kailangang mangamba tungol sa pagpapanatili ng isang trabaho sa bahay, o seguro o isang panghabang panahong karera o di kaya'y sustento sa pagtanda!

Nais ni Anna na marami pang malaman...

Kailangan bang manatili ng isang Madre sa isang bansa ng buong buhay nya?

archbold-c2Depende yan, Anna. Ang ibang Madre ay nanirahan sa iisang bansa ng ilang dekada, at bumabalik lang sa kanyang bansa tuwing dalawa o tatlong taon para sa isang pahinga. Ngunit, sa pagbabago ng mga sitwasyon, ang mga Madre ay maaaring ilipat sa panibagong bansa. Ang magpaalam sa isang misyon at yakapin ang panibago ay hindi ganon kadali. Kahit na ang paglipat ay hindi rin madaling proseso. Kailangan nito ng tulong at suporta sa trabaho sa panibagong buhay, isa ka mang Madre o hindi. Sa larawang ito makikita si Sister Brigid Archbold ng Ireland na ginugol ang mahigit 45 taon sa Angola at di na ninais pang lumipat!

Ang tanong ni Lucy tungkol sa ispiritualidad...

Sa paanong paraan ang iyong buhay ispirtwal ay nakatutulong sa MMM para gawin ang iyong mga gawain ?

prayer-crop2Salamat sa tanong, Lucy! Ang aming pangako ay kay Kristo na nagtatawag sa bawat Madre sa kanyang bokasyon. Yan ang nagpapalakas sa amin. Habang kami ay abala sa paglilingkod sa tao sa pamamagitan ng mga pangkalusugang propesyon, sa bawat araw ay may oras pa rin kaming manalangin, pang pribado man o pang komunidad. At sa mga oras na tahimik namin natatagpuan ang lakas sa pagpapanumbalik ng aming dedikasyon at makita ang seguridad sa mga sitwasyon na madalas ay mapaghanap at mapanganib pa.

Nais ni Nadia na malaman kung paano lumilipas ang isang araw...

Saan maihahalintulad ang isang araw sa buhay ng isang Madre?

sunset_angola_smallHi Nadia, mahirap ibuod ang isang pangkaraniwang araw, dahil ito ay paiba iba.Sa Africa at Latin Amerika ang araw ay nag uumpisa ng napaka aga, Gaano ka aga ay kadalasang nalalaman sa oras ng selebrasyon ng misa sa mga lokal na simbahan. Maaaring 6 ng umaga o mas maaga pa. Pagkatapos ng isang mabilis na almusal ang lahat ay nagmamadali na sa trabaho o kaya ay sa pag aaral. Sa northern hemisphere, ang araw ay naguumpisa ng medyo tanghali na, maliban lang kung umiiwas ka sa trapiko o kailangan ka sa airport para sa isang paglalakbay! Sa Africa karaniwan na ang natutulog sa tanghali, habang tirik pa ang araw, at babalik sa trabaho kapag malamig na. Ano man ang aming naging gawain sa araw na yaon, sa paglubog nang araw isang Panalanging Panggabi ang tinatawag para sa lahat na gustong dumalo. Sa pagsasaayos ng liturhiya ay pwedeng gawing malikhain, lalo na kung merong mga kabataang myembro sa komunidad na may gitara at dram at castinettes. Para sa mga ispesyal na pagdiriwang maaari itong samahan ng sayaw at galaw pangliturhiya at iba pang makahulugang kaganapan. Ang Salmo ay karaniwan ng inaawit, o kaya ay isang tahimik na panalangin sa komunidad na ang myembro ay may mga idad na.

Nais ni Raquel na malaman ang tungkol sa personal na libangan...

Ang mga madre ba ay may iba pang personal na libangan o interes maliban sa mga gawain nila at panalangin?

birds-crop1Oo, Raquel, meron kami. Sa katunayan, ang bawat madre ay hinihikayat na magkaroon ng interes maliban sa kanyang trabaho. Makikita mo na karamihan sa mga madre ay nasa sining at magaling sa lahat ng bagay. Ang iba ay masaya sa pagkuha ng larawan -yan ang dahilan kung bakit marami kaming larawan sa aming website! Ang iba naman ay magagaling sa pagsasaayos ng mga bulaklak, At ang iba din ay mahilig sa musika - ang mga may kaalaman sa musika at pagtugtog sa instrumento ay malaking bagay sa komunidad. Maraming pagkakataom upang mapagbuti ang katalinuhan ng isang madre dagdag pa sa aming gawaing pangkalusugan. Si Marian Scena, na galing USA ay isang abalang manggagamot sa Tanzania. Isa siya sa mga eksperto sa larangan ng pagaalaga ng ibon. Sinulat nya ang tungkol sa 'Paano makatutulong ang aking libangan sa aking propesyonal na buhay'.

Hindi klaro kay Elizabeth kung ano ang eksaktong gawain ng MMM...

Ano ang eksaktong gawain ng MMM? Hindi kasi malinaw sa akin.

nigeria_gusorro_felicitas5_smHindi nakapagtataka, Elizabeth, dahil maraming anggulo ang bokasyon at misyon ng MMM. Kung ikaw ay magbabasa ng aming website sa bawat bansa makikita mo kung gaano kalawak ang ibat ibang bagay na ginagawa namin para makita ang mga pangngailangan ng ibat ibang lokal na sitwasyon! Ang pangangalaga sa kalusugan, lalo na sa kalusugan ng mga mag iina, ang prayoridad ng MMM. Sa kaugalian, ang ibig sabihin nito ay ang pagtatrabaho sa ospital o sa mga health center, ngunit ito ay kailangang pangkat na taga parokya - katulad ng sa Brazil at Honduras. Oo, maliban sa gawaing medikal, ang ibang madre ay kasama sa pamamahala sa ibat ibang antas.Kapag kami ay pumunta sa isang bagong lugar, pinakikinggan namin ang mga pangangailangan ng mga katutubo at sinasama namin sila upang makita namin ang paraan kung paano susulong. Bilang patakaran nagpupunta kami sa mga lugar na mas maraming nangangailangan at sinisubukan na mapunan ang mga kakulangan sa mga inumpisahan ng gobyerno at NGO. Sinusubukan naming maging malikhain hanggat maaari. Ibig sabihin nito na madalas kaming pumunta sa mga lugar o gawin ang mga tungkulin na hindi naman magbibigay ng kahit na anong karangalan! Makikita sa aming larawan ang isang Nigerian MMM, si Sister Felicitas, na tinawag pa dapit hapon sa isang tahanan ng bagong panganak sa nayon ng Hilagang Nigeria. Matapos nyang tingnan ang batang ina at ang bagong panganak na sanggol, ang mga tao ay nagdala pa ng mga bata upang patingnan sa kanya.

Nagtatanong si Kate tungkol sa propesyonal na pagsasanay...

Kinakailangan bang mayroon akong pagsasanay sa medikal o bilang isang nars bago ako makasali sa MMM? Batayan ba ito kung anong kwalipikasyon o digri meron ako?

aror_bridie_sick_child_sm2Hindi, Kate, hindi kinakailangang may propesyonal na kwalipikasyon bago ka makasali sa MMM. Kailangan mo lang ng mataas na marka sa huling pagsusulit sa pang sekondaryang antas ng paaralan sa inyong bansa. Subalit, maraming kababaihan na kasali sa MMM ngayon ay nagkaroon na ng career sa halos ilang taon.Ang pangkaraniwang edad ng sumasali sa MMM ay nasa 25 o 26, ang iba naman ay mas bata o mas matanda dito. Karamihan ng sumasali sa MMM ay may pasimula na sa propesyon na may kaugnay sa pangkalusugan, ang iba naman ay may karanasan na sa kanilang karera. Ang iba namang kababaihan ay may kwalipikasyon sa negosyo at IT, sa catering, sa social science, sa pagtuturo, sa teolohiya at iba pa. May trabaho para sa kanilang lahat sa MMM! Si Sister Bridie Canavan, nakalarawan dito, ay sumali sa nobisyada ng MMM sa Ireland, matapos ang kanyang propesyonal na pagsasanay bilang nars at komadrana. Ang larawang ito ay kuha sa Kenya, kung saan ang mga pasyente ay nais mahiga sa lilim ng mga puno kapag araw, at pumapasok lang sa loob kung gabi na.

 

Nagtatanong si Cristina tungkol sa relihiyosong pangako...

Anong pangako ang ginagawa ng isang madre, at ano ang mga kabutihan ng wala kang pamilya o ari arian?

uganda_kitovu_maura_lynch_operating_smIsang malaking katanungan, Christina! Sa isang ordinaryong buhay ng tao, may kalayaan kang pumili kung saan mo nais tumira at kung sino ang gusto momg makasama, ngunit maaari ka ring matali sa pangangailangan ng pamilya.Sa pangako ng buhay walang asawa, kahirapan at pagtalima, ang isang madre ay kailangang maglingkod kung saan sya kailangan. Kinakailangang maayos ang mga bagay upang sya ay makapaglakbay ng maayos at hindi nagmamadali upang matugunan ang kanyang tawag, at mamuhay sa maliit na panggastos. Si Sister Maura Lynch, nasa larawang ito ay isang siruho na may karanasan sa maraming taon sa Angola at nito lang sa Uganda.Kung sya ay nasa pribadong pagsasanay, maaaring hindi kayanin ng kanyang mga pasyente ang bayad sa kanya. Sa halip, tinanggap nya ang hamon na magtatag ng isang espesyal na yunit para sa pag aayos ng obstetric fistula - isang problema na pangkaraniwang nararanasan ng mga kababaihan sa rural na parte ng Afrika. Si Sister Maura ay lubos na naka pokus sa pagtulong sa mga ganitong problema ng kababaihan, at hindi pansin ang mga personal na luho!

 

Nagtatanong si Renata ukol sa buhay komunidad...

Ano ang mga obligasyon sa komunidad? Ano ang kabutihan ng isang komunidad? Ano ang mga suporta na nakukuha nyo bilang isang komunidad?

felicia_muoneke_anastasia_essien_crop_smallKatulad din ng sa isang pamilya. Na ang komunidad pala ay isa ring tahanan, isang lugar na magkakasama, may suporta at pahinga. Ito ay may halaga - ang nandiyan ka para sa iba, ang manalangin kayo ng sama sama at ang pagtanggap ng mga bisita sa magiliw na paraan. Pinagsasaluhan ng mga madre ang kanilang mga kita at materyal na bagay. Ang mga pangangailangan at ang mga kagustuhan ng bawat tao sa komunidad ay may mga kadahilanan. Nangangailangan ito ng isang mapagbigay na ispiritu ng pagpapalitan. Ang dalawang madreng nasa larawan ay mga Nigerian, Si Sister Felicia (kaliwa) ay isang doctor at si Sister Anastasia ay isang business Administrator. Ang ibat ibang ur I ng mga gawain ng mga madre ay kasama sa lahat ng palabok ng buhay sa ating komunidad.

May isa pang tanong si Renata...

Mahirap bang manirahan sa komunidad?

nigeria_christine_gill_smAng sagot ay oo at hindi Renata. Ang buhay sa komunidad, kagaya ng lahat ng buhay, ay may mga pagsubok. Sa kabilang banda, may mga mabubuti kang nakakasama at mauunawain at nagbabahagian ng makabuluhang kadahilanan. May mga tao na tumutulong sa problema kung ang mga bagay ay mabigat na. Sinisikap naming mabuhay sa magkakaibang kultura. Ito ay nakapagpapayaman - ngunit ang ibig sabihin nito ay ang matutunan mo ang mga bagay na importante sa ibang kultura, ang uri ng mga pagkain at musika nila, at kung anu ano pa. Sa ibabang anggulo, kadalasang kinakailangan ng mga pasyenteng makinig at tanggapin ang pagkakaiba, at ang kagustuhang lumabas upang makita ang iyong 'comfort zone', malayo sa tradisyon at pamilyaridad at abutin para makilala kung ano ang importante sa iba. Ang Madre ng MMM ay sumusunod sa pangunahing aral ni San Benedict ang magparaya. Halimbawa, sabi nya kailangan dalawang ulam ang ihahain kapag oras na ng pakain para kung ayaw ng isa ay meron pang iba - nagpapakita ito ng respeto sa mga naiiba. Sa itaas na larawan makikita mo si Christine Gill, kuha ito sa Nigeria kung saan nasa isa syang umaandar na clinic para sa mga lagalag na taong Fulani. Pag balik nya sa gabi, masaya syang nagbabalik sa bahay at maliligo ng maligamgam na tubig na pinatatakbo ng araw. At matapos ang Panggabing Panalangin, sa hapag kainan ang 3 o 4 na katao ay magbabahagi ng mga naging karanasan nila, mga pakikipagsapalaran at mga problema na naranasan nila sa araw na yaon.

Nais ni Natalia na malaman kung bakit ang ibang madre ay nagsusuot ng belo...

Sa aking bansa, sa Polland, may mga kongregasyon ng mga madre na may suot na belo at mayrong wala. Ito ay malinaw, alin sa dalawa. Sa inyong website, ang iba ay meron at ang iba ay wala. Maaari mo bang ipaliwanag?

florence-gladys-smallWel, Natalia, noong araw bawat madre ay nagsusuot ng belo, ngunit ngayon ito ay hindi na obligado. Desisyon na ito ng bawat madre. Subalit, kaming lahat ay sensitibo sa ekspektasyon ng mga tao, at kung saan ito nararapat, lahat ay nagsusuot ng belo sa oras ng kanilang trabaho o sa paglabas nila. Para sa mga opisyal na okasyon nagsusuot kami ng isang simpleng kulay abong damit, hindi uniporme. Sa Africa ito ay kula puti. Nagsusuot kami ng simbolo ng Pagbisita, kung saan dinalaw ni Maria ang kanyang pinsan na si Elizabeth at tinulungan sya sa panahon ng pagbubuntis nya. Ito ay gawa sa pilak, o kaya ay gawa sa bao na sila lang ang may gawa. Bawat isang madre ay tumatanggap ng isang puro gintong singsing sa seremonya kung saan ginagawa ang kanyang huling banal na panata. Samantala, sa ibang bansa, lalo na sa Latin America, mas nais ng madre na magsuot ng kilalang itim na singsing na nag sisimbolo ng pangako sa mga mahihirap at sa kapaligiran. Nasagot ba ang iyong katanungan?

Nais malaman ni Sandra kung sino ang pupunta sa isang lugar...

May kakayanan ba ang isang madre na maimpluwensahan kung saan sya pupunta?

malawi_dumka_improved_latrine_sm1Oo, Sandra, pwede syang magsalita ukol dito, ngunit hindi sa kanya ang huling desisiyon. Ang prinsipyo ng buhay ng Medical Missionary of Mary ay ibigay ang sariling buhay sa Diyos at maging libre para sa sangkatauhan kung saan ka kinakailangan. Ngunit, laging may pag uusap para masigurado na ang madre ay masaya at nais na makipagsapalaran kahit na nakatatakot! Karamihan sa atin ay nagugulat kung paano ito natatapos sa bandang huli. Si Sister Dumka Michael, nasa larawan ay nagsabi na wala syang gusto sa kung saan sya itatalaga sapagkat ang alam lang nyang bansa ay ang pinanggalingang Nigeria at Kenya kung saan sya nag-aral ng Business Administration. Ilang taon na rin sya sa Malawi at gusto na nya dito. Sa larawang ito ipinakikita nya ang pagsubok sa isang simpleng sistema para sa paghuhugas sa labas ng homisted.

Nagsisiyasat si Petronilla tungkol sa pansariling kalusugan...

Ang kalagayan ba ng aking kalusugan ay maaaring maging dahilan para mawalan ako ng karapatan?

motherhouse_2007Kung makikita mo sa aming website,, Petronilla, ang buhay pangrelihiyon at ang buhay ng misyonero ay mapaghanap. Samakatwid, ang magandang kalusugan at malusog na kaisipan ang kinakailangan para sa mga nais sumali sa MMM. Ang kalusugan ng tao ay parte ng kanyang pagdedesisyon habang sya ay nasa nobisyo pa at sa mga unang taon nya sa unang pormasyon.Ngunit pag ang huling banal na panata ay naisagawa na, wala ng tatanungin para umalis sa kadahilanang pangkalusugan. Dadating din ang panahon na lahat tayo ay magkakasakit at ang ating mga madre na may sakit at matanda na ay magiging kasama natin sa ating mga panalangin. Sa larawang ito ay pinakikita ang aming tahanan sa Ireland kung saan ang mga retirado ng madre ay nagdadasal ng tahimik para sa aming misyon at para sa mga sumusuporta sa amin.

Nagtataka si Maria kung paano napananatili ang pakikitungo sa pamilya

Gaano kadalas makikita ng isang madre ang kanyang pamilya?

Ito ay naaayon, Maria, depende sa pagkakataon.Habang nasa nobisyo pa, ang madre ay hindi karaniwang naglalakbay sa labas ng bansa, ngunit ang maulila ay hindi kasali. Kapag nasa misyon ka sa ibang bansa, ang tatlong buwan na bakasyon ay inaayos tuwing tatlong taon, ang iba ay karaniwang ginugugol ito kasama ng pamilya. Sa mga grabeng klima o sa mga bansa na maraming problema. Ito ay dumadating tuwing dalawang taon sa loob ng dalawang buwan. Sa maraming pagkakataon ang seremonya sa huling panrelihiyong propesyon ay ginagawa sa parokya ng madre. Si Sister Cecily Bourdillon, nasa larawang ito, ay ang doctor na responsable para sa Pangunahing Pagaalaga ng Kalusugan at Chipini sa Malawi. Sya ay katutubo ng Zimbabwe, ngunit ang kanyang pamilya ay nanirahan na sa ibat ibang bansa, upang hindi nya ito madalas makita. Ngunit sya ang unang MMM na gumamit ng email, sa unang bahagi ng 1990's! Ngayon sa makabagong komunikasyon mas madali sa kanya na makipag ugnayan sa kanyang pamilya.

Si NIlza ay nagtataka ukol sa lengwahe...

Anong mga lengwahe ba ang kailangan? Magaling sa English ba ang kailangan? Anong lengwahe ba ang karaniwang ginagamit ng mga madre sa pakikipag usap sa mga lokal na tao?

Yan ay isang importanteng punto, Nilza! Ang opisyal na lengwahe ng kongregasyon ay English. Ang ibang kabataang babae na lumalapit sa amin ay kaunti lamang ang kaalaman sa English at nag aaral muna ng Englis bago sila pumasok sa Nobisyo. Oo, ang manirahan sa komunidad kung saan ang lengwahe ay ginagamit araw araw ay nakatutulong sa pag aaral nito! Ang ibang lengwahe na ginagamit ay Swahili, French, Spanish, Portuguese. Bilang misyonero, ang mga madre ay nagsisikap na maging magaling sa pangunahing lengwahe ng bansa kung saan sila nakatalaga. Ang ibang madre ay nag- aral din ng lengwahe ng Africa na pangkaraniwang ginagamit pati na ang opisyal na lengwahe ng bansa. Ngunit sa ibang lugar kailangan nilang magtrabaho sa pamamagitan ng isang tagapagsalin . Sa larawang ito, si Sister Clara (nakaupo) ay isang katutubo ng Malawi. Dahil alam nya ang lokal na lengwahe at ang kultura ng bansa sya ay isang malaking bagay sa aming trabaho sa Kasina Health Centre. Kung hindi, si Sister Mary McNamara (nakatayo) Ay mangangailangan pa ng tagapagsalin.

May katanungan si Joan tungkol sa kung paano ang gastusin nito...

Paano nakakakuha ng pondo ang mga madre?

Ang Central Business Administrator ng Kongregasyon kasama ng Central Leadership Team ang may resposibilidad na masigurado na may sapat na pondo para sa mga programa at ang mga pondo ay inuulat para makita. Ang lahat ng kinita ng mga madre ay binabahagi sa bawat isa , at bawat isang madre ay nakatatanggap ng maliit na personal na panggastos sa pera ng bansa kung saan sya nakatalaga. Ang kongegasyon ang bahala sa bayad sa eroplano at sa iba pang pangangailangan ng madre para sa kanyang misyon at ang pangalagaan ang mga may sakit. Nasa larawang ito si Sister Kathie Shea nang USA na may Master's in Business Admin. Sya ay naka base sa Nairobi at bumibyahe sa mga bansa upang tumulong sa ating komunidad sa mga pinansyal na isyu. Ang mga madre na Business Administrators ay pinakikita ang amimg ibat ibang proyekto sa mga ahensya na nagpopondo.Meron din kaming mga tao na nagtatrabaho kasama ng MMM upang makalikom ng pondo upang manatili ang aming mga trabaho. Kami ay nagpapasalamat na makatanggap ng donasyon, gaano man kaliit, sa mga taong nais sumuporta sa amin. Ang donasyon sa Website ay importante din sa amin. Sino man ay maaaring magbigay ngayon!

Ang tanong ni Karina tungkol sa pagsulong ng trabaho...

Pati ang pangangalaga sa kalusugan, mula sa pagtingin sa inyong website naisip ko na ang ibang MMM ay taos ang pagsali sa pagsulong ng trabaho. Tama ba ito?

Tama ka, Karina. Ang pangunahing lugar ng pagsulong ay ang pagsulong ng mga kababaihan, ang paggawa ng pagkakakitaan,ang pagkakaloob ng malinis na tubig at mga proyekto sa nutrisyon. Ang pagkakaloob ng malinis na tubig ang karaniwang mahalaga sa aming trabaho. Malinaw na hindi ang mga madre ang mag didrill, ngunit nakikipag ugnayan sila sa opisyal ng lokal na gobyerno at sila ang susi upang bigyang sigla ang mga lokal na tao at sama sama silang mag plano ng poso at alagaan ito.Karamihan sa mga madre ay bihasa na sa paglikom ng pondo at maghanap ng mga karapat dapat na mangagawa na magtatrabaho.Si Sister Dympna Hannelly, nasa larawang ito sa Makondo in Uganda, isang bukid na lugar sa Uganda ay isang eksperto sa community health.

Nagtataka si Teresa kung ano ang kaibhang magagawa natin sa kabila ng mga problema...

Paano ka magkaka pag- asa kung alam mong sobra ang kahirapan at mga sakit sa bansang iyong pinaglilingkuran?

Well, Teresa, tama ka sa sinabi mong ang kahirapan ay laganap na at ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang mahina ang pangangatawan. Ngunit ramdam namin na isang madaling paraan ang sabihin na wala kaming magagawa na hindi kailangan. Dalawang malaking bagay ang magagawa namin para tulungan ang mga komunidad upang makita nila ang antas ng nutrisyon at ang pinanggagalingan ng tubig. Ang litrato sa itaas ay pinakikita si Sister Dympna na tumulong na makakuha ng labindalawang patubigan sa Uganda. Dito makikita mo ang litrato ni Sister Nkeiru, na nagtrabaho bilang isang nars-komadrona sa Zaffe Health sa Republika ng Benin. Nagkaroon sya ng interes sa sakahan, at ang health center ay kasamang nagtatrabaho ng mga lokal na magsasaka para mapagbuti ang kanilang pamamaraan. Ang MMM ay nagtatrabaho din sa kooperasyon ng kilalang Songhai Centre for Development Education.

Nagtatanong si Ciara tungkol sa emergency relief...

May pagkakaiba ba sa pagitan ng inyong trabaho at sa mga ahensya ng emergency relief?

Oo, Ciara, may malaking pagkakaiba! Nagpupunta kami sa mga tao na nag iimbita sa amin para tulungan sila sa kanilang problemang pangkalusugan at nananatili kami kasama nila, para maibahagi sa kanila ang aming kaalaman, ngunit ang makita ang isang araw na gumagalaw saan pa man. Tatagal pa yan ng maraming dekada! Minsan nagpupunta kami sa isang lugar para sa isang pangangailangan, at nananatili sa mga tao ng matagal na panahon matapos ang kanilang pangangailangan. Isang halimbawa nito ang nangyaring tag gutom sa mga tao ng Turkana Dessert noong 1962. Natapos lamang kami sa misyon doon noong 2009! Isa pang halimbawa,ay ang Rwanda. Una kaming pumunta dyan noong 1994 sa pagtugon namin sa patayan ng mga lahi, at hanggang ngayon ay nandoon pa kami. Ang aming litrato ay nagpapakita kay Sister Helen Spragg, isang parmasyutiko galing UK, dala ang isang pagsisiyasat sa Rwanda ng bumalik na ang mga bagay ng normal. Ang Honduras ay ibang kaso. Nagpunta kami noon 1998 matapos ang bagyong Mitch, at sa bandang huli ay nagsimula pa kami ng dalawang misyon kung saan ang MMM ay nagtatrabaho pa din kasama ang mga lokal na pangkat ng mga manggagamot. Ang ibang mga madre ay makalalaya lamang para sa isang maikling gawain kasama ng emergency agencies, sa panahon ng tag gutom o iba pang mga kalamidad.

Kung may katanungan ka tungkol sa bokasyon ng mga madre ng MMM maaari kang makipag ugnayan sa amin at makatatanggap ka ng personal na kasagutan.

Search...