Ang madreng si marian scena

Ang aking libangan ay magmasid ng ibon

Ni Sister Marian Scena 
 
marian_scena_tanzania1sm“Ano ang kulay ng kanyang kilay Marian?", tanong ng isa naming madre ng MMM — na may halong biro at may konting bahid ng inis! Hindi niya nauunawaan ang importansya nang kilay upang makilala ko ang ibon na aking inoobserbahan. Ito ang mga hindi pagkakaunawaan na nararanasan ng bawat isa sa tungkulin bilang isang Mangingibon!

Mula sa aking pagkabata lagi na kaming may kainan ng ibon sa labas ng bintana ng aming kusina at tinuturo ng aking ina ang ibat ibang klase ng mga ibon na bumibisita dito. Noon pa man ay may pagkawili na ako sa mga ibon ngunit hindi naman naging seryoso dito hanggang sa dumating ako sa Tanzania kung saan ang ganda at ang ibat ibang uri ng ibon ay nakamamangha.

Noong una akong nagkaron ng largabista, tuluyan na akong nahumaling dito! At noong 1991 nakilala ko ang isang mag asawang Welsh na noon ay nagtatrabaho sa Singida at ipinakilala nila ako kay Liz at Neil Baker, Isang mag asawang Ingles na naninirahan sa Tanzania, na gumagawa ng libro tungkol sa Atlas ng mga Ibon sa Tanzania. Ipinakilala din nila sa akin ang sistema ng pag aaral at ang pag uulat sa lahat ng klase ng mga ibon na aking nakikita sa bawat buwan. Ibig sabihin nito ay ililista ko kung saan sila nakita, ilan sila, at kung anong uri, at kung sila ba ay palahi o hindi.  
 
Katulad ko, karamihan sa mga Mangingibon sa lahat ng dako ng bansa ay nag uulat buwan buwan upang ang mga kalahok ay maipon para sa lalong lumalaking datos ng mga paparating pa na atlas ng mga ibon. Ang pangingibon ay labis na nakatutawa -  wala anumang motibo maliban sa paghanga at pagpapahalaga sa mga nilalalang ng Diyos na may pakpak. Ngunit ang katotohanang ako ay nakatutulong sa hindi pa na ilalathalang atlas ng mga ibon ay nakapagbibigay sa akin ng sigla. 
 
Nakita ko na ang pangingibon ay isang magandang papuri para sa aking paglilingkod, na kadalasan ay lubhang nakawiwili at ubos oras. Kahit na wala akong oras upang upuan ang aking largabista nakakakita pa rin ako ng ibat ibang klase ng mga ibon habang pauwi ako ng bahay galing sa ospital matapos ang isang araw ng trabaho.

Sa aking palagay ang pagiging isang doktor na may maunlad na kakayanan sa pag-aaral ng isang mataas na digri ay nakatulong sa aking pag-aaral sa iba’t ibang aspeto ng ibon na kakailanganin upang matukoy ang eksakto nilang pagkakakilanlan.

Aking natuklasan na ang pangingibon ay isang malaking tulong sa aking pagdarasal. Sa katunayan para itong panalangin; gumugol ako ng oras sa paghihintay hindi alam kung ano pa ang mga pagsubok na ibibigay sa akin ng Diyos, ngunit nagpapasalamat pa rin ako anuman ang ipagkaloob nya sa akin. Kapag ako ay nangingibon ako ay tahimik at naghihintay, hindi sigurado kung ano ang makikita. Minsan, katulad ng panalangin na walang sigla, wala kang makita. Ngunit maraming beses ako’y nakakukuha ng magagandang sorpresa at nakakakita sa unang pagkakataon ng isang ibon at bagong pag uugali ng ibon. At lagi kong  pinapupurihan ang Diyos dahil sa kagandahan ng nilikha nya sa paligid namin at para sa mga ibon. Ang panalangin at ang pangingibon ay laging magkasama.

Saan man ako pumunta alisto ako sa paghahanap ng mga ibon. At ang mga oras sa mahabang biyahe at sira sirang kalsada ay nagiging masaya. Marami pa nga akong na miss dahil hindi ko nasasabihan ang drayber na huminto upang magamit ko ang aking largabista, ngunit nakikilala ko pa rin ang humigit kumulang na 25% na mga ibon na nagdadaan habang bumibiyahe.

Minsan isang buwan, tuwing araw ng aking pahinga, ako ay naglalakad sa malapit na Mianji Dam. Nagpapalakad-lakad ako dito na inaabot ng 5-7 oras. Sa araw namang yon, ako ay pangkaraniwang nakakakita ng 50 uri ng mga ibon sa paligid ng Dam at 10-15 na iba pang uri habang ako ay papunta pa lamang. Sa ngayon, ako ay nakakita na ng 498 na magkakaibang uri sa Tanzania. Sa mga ito, 122 ang nasa paligid ng Ospital ng Makiungu. Kamangha-mangha ang sari-saring mga ibon pati na ang nasa loob ng aming bakuran. Hindi ko pa nga naisama ang mga nakita kong ibon sa ibang bansa na pinanggalingan ko na.

tanzania_birds1Sino man ang nakakakita o nakaririnig ay maaaring maging isang mangingibon. At ang taong masigla, malakas ang loob ay makakakita ng mas marami pa, ngunit hindi rin naman kinakailangang masigla ka. kahit na ikaw ay nakaupo sa wheelchair matutuwa ka sa pagtanaw at sa paghuni ng mga ibon. Maaari itong maging libangan paminsan minsan o kaya ay maging sa araw araw. Sana ay nagkaron ka ng interes na matuklasan ang kagandahan ng mga kaibigang ibon ng Diyos.

Tatlong Maririlag na Martinez. Ang nasa gitna ay bata pa. Wala pa itong kulay gintong mata o kaya’y puting liston sa dibdib.

 

Search...